1st time

Sa isang hotel...
BF: Ako ba talaga first time mo?

GF: Oo nga, bakit ba lahat kayo yan ang tinatanong!

Bypass operation

Mike: Glo, kung sakaling di ako makaligtas sa gagawing By-pass operation sa akin, gusto ko sana kung mamatay ako ay katabi ko si Erap at si Jinggoy!!

GMA: Di ba kaaway natin mga yun? bakit gusto mo silang makatabi?

Mike: Gusto ko kasing mamatay na katulad ni Kristo eh......nasa gitna ng dalawang magnanakaw!!

GMA: jejeje, patawa ka tlga. Anjan nmn si mikey at dado.

Incest

Mapapawalang bisa ang kasal ni GMA at Mike Arroyo.

Kasi magkapatid pala sila, sabi ni Susan Roces:
“Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw”

GMA's dream

GMA: Sana palarin akong makamit ang katangian nla Cory at Susan Roces.

Inquirer: Ang pagiging matapang ba nila?

GMA: Hinde. Yung pagiging biyuda nila. Wala sanang problema ang bayan.

Pacman commercial king

BUBOY: Pare, bilib na talaga ako sayo dami mo nang commercials ah..

PACMAN: Hindi naman madami, ilan lng naman yon..

BUBOY: Ano bang pinaka latest mong ginawa?

PACMAN: Ay naku, hindi mo pa nakita? Ice cream na pinopromote ko ngayon..

BUBOY: Ganun ba, Magnolia ba yan?

PACMAN: (kumakanta) "ice cream, ice cream, Magic Sing.."